-
Nehemias 10:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 Gayundin, ang aming magaspang na harina mula sa mga unang bunga,+ ang aming mga abuloy, bunga ng bawat uri ng puno,+ bagong alak, at langis+ ay dadalhin namin sa mga saserdote, sa mga silid-imbakan* sa bahay ng aming Diyos.+ At dadalhin namin sa mga Levita ang ikasampu* mula sa aming lupain,+ dahil ang mga Levita ang nangongolekta ng ikasampu mula sa lahat ng lunsod namin na may sakahan.
-
-
Nehemias 12:44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
44 Nang araw na iyon, nag-atas ng mga lalaking mangangasiwa sa mga imbakan+ para sa mga abuloy,+ mga unang bunga,+ at mga ikasampu.*+ Mula sa mga bukid ng mga lunsod, titipunin nila sa mga imbakang iyon ang mga bahaging hinihiling ng Kautusan+ para sa mga saserdote at mga Levita,+ dahil ang Juda ay nasisiyahan sa paglilingkod ng mga saserdote at mga Levita.
-