11 Kaya nag-atas sila ng mga pinuno sa puwersahang pagtatrabaho* para pahirapan ang mga ito,+ at itinayo ng mga ito para sa Paraon ang Pitom at Raamses,+ na mga imbakang lunsod.
14 At patuloy nilang pinahirapan ang mga ito; pinagagawa nila ang mga ito ng luwad na argamasa* at mga laryo* at ng iba’t ibang mabibigat na trabaho sa bukid. Oo, pinagmalupitan nila ang mga ito at ipinagawa sa mga ito ang lahat ng trabaho ng isang alipin.+