-
Deuteronomio 2:30-35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
30 Pero hindi kami pinadaan ni Haring Sihon ng Hesbon, dahil hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmataas siya at magmatigas ang puso niya,+ para mapasakamay mo ang lupain niya, gaya ng kalagayan ngayon.+
31 “At sinabi ni Jehova sa akin, ‘Tingnan mo, ibinigay ko na sa iyo si Sihon at ang lupain niya. Kunin mo na ang lupain niya.’+ 32 Nang si Sihon at ang buong bayan niya ay makipaglaban sa atin sa Jahaz,+ 33 ibinigay siya sa atin ng Diyos nating si Jehova, kaya natalo natin siya, ang mga anak niya, at ang buong bayan niya. 34 Sinakop natin noon ang lahat ng lunsod niya at winasak* ang mga iyon, at pinatay natin ang mga lalaki, babae, at bata. Wala tayong itinirang buháy.+ 35 Ang mga alagang hayop lang ang kinuha natin, kasama ng samsam sa sinakop nating mga lunsod.
-
-
Hukom 11:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 “‘Pagkatapos, nagsugo ang Israel ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amorita, na namamahala sa Hesbon, at sinabi ng Israel sa kaniya: “Pakisuyo, paraanin mo kami sa lupain mo papunta sa sarili naming lugar.”+ 20 Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel kaya hindi niya sila pinayagang dumaan sa kaniyang teritoryo. At tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at nagkampo sila sa Jahaz at nakipaglaban sa Israel.+
-