-
Deuteronomio 4:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 “Kung magkaroon kayo ng mga anak at apo at mabuhay nang matagal sa lupain at gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa ng anumang inukit na imahen+ at gumawa ng masama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova para galitin siya,+ 26 kinukuha ko ngayon ang langit at lupa bilang mga saksi laban sa inyo—tiyak na malilipol kayo agad sa lupaing kukunin ninyo pagtawid ng Jordan. Hindi kayo mabubuhay nang matagal doon; tiyak na malilipol kayo.+
-
-
Josue 23:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.
-