20 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Hindi ka magkakaroon ng mana sa lupain nila, at hindi ka magkakaroon ng bahagi sa lupain nila.+ Ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga Israelita.+
24 Dahil ibinibigay ko sa mga Levita bilang mana ang ikasampung bahagi na iniabuloy ng bayan ng Israel kay Jehova. Kaya sinabi ko, ‘Hindi sila puwedeng magkaroon ng lupain sa gitna ng mga Israelita bilang mana.’”+
9 Kaya hindi binigyan ng bahagi o mana ang mga Levita, di-gaya ng mga kapatid nila. Si Jehova ang kanilang mana, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova.+
14 Ang tribo lang ng mga Levita ang hindi niya binigyan ng mana.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana,+ gaya ng ipinangako niya sa kanila.+
13 Hindi ba ninyo alam na ang mga lalaking gumaganap ng sagradong mga atas ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga regular na naglilingkod sa altar ay may parte sa mga bagay na inihahandog sa altar?+