-
Josue 6:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Ang lunsod at ang lahat ng naroon ay dapat puksain at wasakin;+ lahat ng iyon ay kay Jehova. Si Rahab+ lang na babaeng bayaran ang ititirang buháy, siya at ang lahat ng kasama niya sa bahay, dahil itinago niya ang mga mensaherong ipinadala natin.+ 18 Pero lumayo kayo sa mga dapat puksain at wasakin,+ dahil baka hangarin at kunin ninyo ang mga ito,+ at sa gayon ay gawing karapat-dapat sa pagkapuksa ang kampo ng Israel at magdala kayo rito ng kapahamakan.+
-