-
Josue 10:36, 37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
36 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Eglon at nagpunta sa Hebron+ at nakipagdigma rito. 37 Sinakop nila ang Hebron. Ang hari nito, ang mga bayan nito, at ang lahat* ng naroon ay pinabagsak nila sa pamamagitan ng espada, at wala silang itinirang buháy. Winasak niya ito at pinuksa ang lahat* ng tagaroon, gaya ng ginawa niya sa Eglon.
-