11 Nang maglaon, dumating ang anghel ni Jehova+ at umupo sa ilalim ng malaking puno na nasa Opra, na pag-aari ni Joas na Abi-ezrita.+ Ang anak niyang si Gideon+ ay naghahampas ng trigo sa pisaan ng ubas para hindi iyon makita ng Midian.
24 Kaya nagtayo roon si Gideon ng isang altar para kay Jehova, at hanggang ngayon ay tinatawag itong Jehova-shalom.*+ Iyon ay naroon pa rin sa Opra ng mga Abi-ezrita.