-
Josue 19:47, 48Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
47 Pero ang teritoryo ni Dan ay napakasikip para sa kanila.+ Kaya nakipagdigma sila sa Lesem+ at sinakop iyon at pinabagsak iyon sa pamamagitan ng espada. Pagkatapos, kinuha nila iyon at nanirahan sila roon, at ang Lesem ay pinalitan nila ng pangalang Dan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ninuno.+ 48 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Dan. Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
-
-
1 Hari 4:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Panatag ang buhay sa Juda at sa Israel; ang bawat isa ay nasa ilalim ng sariling punong ubas at ilalim ng sariling puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-sheba, sa lahat ng araw ni Solomon.
-
-
1 Hari 12:28, 29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 Matapos humingi ng payo, gumawa ang hari ng dalawang gintong guya*+ at sinabi sa bayan: “Masyado kayong mahihirapan kung pupunta pa kayo sa Jerusalem. Heto ang Diyos mo, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+ 29 Pagkatapos, inilagay niya ang isa sa Bethel,+ at ang isa pa, sa Dan.+
-