18 Nagpunta sila sa Bethel para sumangguni sa Diyos.+ Pagkatapos, sinabi ng mga Israelita: “Sino sa amin ang dapat manguna sa pakikipaglaban sa mga Benjaminita?” Sumagot si Jehova: “Ang Juda ang mangunguna.”
26 Kaya ang lahat ng lalaki ng Israel ay pumunta sa Bethel. Umiyak sila at umupo roon sa harap ni Jehova,+ at nag-ayuno*+ sila nang araw na iyon hanggang gabi at nag-alay ng mga handog na sinusunog+ at mga handog na pansalo-salo+ sa harap ni Jehova.