-
Deuteronomio 17:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “Kapag pumasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at nakuha na ninyo ito at nakatira na rito at sinabi ninyo, ‘Mag-atas tayo ng hari na mamamahala sa atin gaya ng lahat ng bansa sa palibot natin,’+ 15 tiyakin ninyo na ang aatasan ninyong hari ay ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova.+ Mag-atas kayo ng hari mula sa mga kapatid ninyo. Hindi ninyo puwedeng atasan bilang hari ang isang dayuhan na hindi ninyo kapatid.
-