-
Hukom 3:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Nang humingi ng tulong ang mga Israelita kay Jehova,+ naglaan si Jehova ng magliligtas sa mga Israelita,+ si Otniel+ na anak ni Kenaz, na nakababatang kapatid ni Caleb. 10 Ang espiritu ni Jehova ay sumakaniya,+ at siya ang naging hukom ng Israel. Nang makipagdigma siya, ibinigay ni Jehova si Cusan-risataim na hari ng Mesopotamia* sa kamay niya kaya natalo niya si Cusan-risataim.
-
-
Hukom 14:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Kaya si Samson ay bumaba sa Timnah kasama ang kaniyang ama at ina. Nang makarating siya sa mga ubasan ng Timnah, sinalubong siya ng isang leong umuungal! 6 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at hinati niya ito sa dalawa, na parang naghahati ng isang batang kambing gamit lang ang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o ina kung ano ang ginawa niya.
-
-
1 Samuel 10:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Kaya mula roon, pumunta sila sa burol, at isang grupo ng mga propeta ang sumalubong sa kaniya. Agad na sumakaniya ang espiritu ng Diyos,+ at nagsimula siyang manghula+ kasama nila. 11 Nang makita ng lahat ng nakakakilala sa kaniya na nanghuhula siya kasama ng mga propeta, sinabi nila sa isa’t isa: “Ano ang nangyari sa anak ni Kis? Propeta rin ba si Saul?”
-