18 Noong buháy pa si Absalom, kumuha siya ng haligi at nagtayo ng isang monumento sa Lambak ng Hari,+ dahil ang sabi niya: “Wala akong anak na lalaki na magdadala ng pangalan ko.”+ Kaya tinawag niya ang haligi sa pangalan niya, at hanggang sa araw na ito ay tinatawag itong Monumento ni Absalom.