-
Levitico 24:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Lagyan mo ng purong olibano ang ibabaw ng bawat salansan, at magsisilbi itong alaalang handog* para sa tinapay,+ isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. 8 Palagi niyang aayusin iyon sa harap ni Jehova sa bawat araw ng Sabbath.+ Ito ay isang tipan sa mga Israelita hanggang sa panahong walang takda. 9 Mapupunta iyon kay Aaron at sa mga anak niya,+ at kakainin nila iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay para sa kaniya mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda.”
-
-
Marcos 2:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Pero sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang wala siyang makain at magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 26 Sa ulat tungkol sa punong saserdoteng si Abiatar,+ pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na panghandog, na hindi puwedeng kainin ng sinuman maliban sa mga saserdote.+ Binigyan din niya nito ang mga lalaking kasama niya.”
-
-
Lucas 6:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog, kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+
-