-
1 Cronica 14:13-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Nang maglaon, sumalakay ulit sa lambak* ang mga Filisteo.+ 14 Muling sumangguni si David sa Diyos, pero sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca.+ 15 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, sumalakay ka na, dahil nauna nang lumabas ang tunay na Diyos para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”+ 16 At ginawa ni David ang iniutos sa kaniya ng tunay na Diyos,+ at pinabagsak nila ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.+ 17 At naging kilala si David sa lahat ng lupain, at natakot sa kaniya ang lahat ng bansa dahil kay Jehova.+
-