-
1 Samuel 20:41Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
41 Pag-alis ng tagapaglingkod, lumabas si David sa kinaroroonan niya sa malapit, sa bandang timog. Pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa lupa at yumukod siya nang tatlong ulit, at hinalikan nila ang isa’t isa at iniyakan ang isa’t isa, pero mas matindi ang pag-iyak ni David.
-
-
1 Samuel 23:16-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Si Jonatan na anak ni Saul ay pumunta kay David sa Hores, at pinatibay niya ang pagtitiwala* nito kay Jehova.+ 17 Sinabi niya rito: “Huwag kang matakot, dahil hindi ka makikita ng ama kong si Saul; ikaw ang magiging hari sa Israel,+ at ako ang magiging pangalawa sa iyo; at alam din iyan ng ama kong si Saul.”+ 18 Pagkatapos, gumawa sila ng tipan+ sa harap ni Jehova, at nanatili si David sa Hores, at si Jonatan naman ay umuwi sa bahay niya.
-