-
2 Cronica 14:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Pagkatapos, tumawag si Asa sa Diyos niyang si Jehova:+ “O Jehova, matutulungan mo kahit sino, marami man sila o mahina.+ Diyos naming Jehova, tulungan mo kami, dahil umaasa* kami sa iyo,+ at lalaban kami sa malaking hukbong ito sa ngalan mo.+ O Jehova, ikaw ang Diyos namin. Huwag mong hayaang matalo ka ng hamak na tao.”+
-
-
2 Cronica 20:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 At humarap si Jehosapat sa kongregasyon ng Juda at ng Jerusalem na nasa bagong looban sa bahay ni Jehova, 6 at sinabi niya:
“O Jehova na Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos sa langit;+ hindi ba may awtoridad ka sa lahat ng kaharian ng mga bansa?+ Nasa kamay mo ang kapangyarihan at lakas, at walang sinuman ang makalalaban sa iyo.+
-