-
1 Hari 16:30, 31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito.
-
-
2 Hari 13:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Noong ika-23 taon ni Jehoas+ na anak ni Ahazias+ na hari ng Juda, si Jehoahaz na anak ni Jehu+ ay naging hari sa Israel sa Samaria, at namahala siya nang 17 taon. 2 Patuloy siyang gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, at tinularan niya ang kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nebat na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.+ Hindi siya lumihis mula roon.
-