-
1 Hari 15:25-29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Si Nadab+ na anak ni Jeroboam ay naging hari sa Israel noong ikalawang taon ni Haring Asa ng Juda, at namahala siya sa Israel nang dalawang taon. 26 Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova, at tinularan niya ang kaniyang ama+ at pinagkasala rin ang Israel.+ 27 Nakipagsabuwatan laban sa kaniya si Baasa na anak ni Ahias mula sa sambahayan ni Isacar, at pinatay siya ni Baasa sa Gibeton,+ na sakop ng mga Filisteo, habang sinasalakay ni Nadab at ng buong Israel ang Gibeton. 28 Pinatay siya ni Baasa nang ikatlong taon ni Haring Asa ng Juda at naging hari ito kapalit niya. 29 Pagkaupo sa trono bilang hari, pinatay ni Baasa ang lahat ng nasa sambahayan ni Jeroboam. Wala siyang itinirang buháy sa sambahayan ni Jeroboam; nilipol niya sila, gaya ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng lingkod niyang si Ahias na Shilonita.+
-
-
2 Hari 17:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 At patuloy na tinularan ng bayang Israel ang lahat ng kasalanan ni Jeroboam.+ Hindi sila tumigil sa paggawa ng mga kasalanang iyon 23 hanggang sa alisin ni Jehova ang Israel sa harapan niya, gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng lahat ng lingkod niyang propeta.+ Kaya kinuha ang Israel mula sa sarili nilang lupain at ipinatapon sa Asirya,+ at naroon pa rin sila hanggang ngayon.
-