-
Deuteronomio 12:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Sa halip, hanapin ninyo ang lugar sa teritoryo ng inyong mga tribo na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya. Doon ninyo siya sambahin.+ 6 Doon ninyo dalhin ang inyong mga handog na sinusunog,+ hain, ikapu,*+ abuloy,+ panatang handog, kusang-loob na handog,+ at mga panganay sa inyong bakahan at kawan.+
-
-
1 Hari 8:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 ‘Mula nang araw na ilabas ko mula sa Ehipto ang bayan kong Israel, hindi ako pumili ng lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel na pagtatayuan ng isang bahay kung saan mananatili ang pangalan ko,+ pero pinili ko si David para mamahala sa bayan kong Israel.’ 17 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+
-