-
1 Hari 12:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 Matapos humingi ng payo, gumawa ang hari ng dalawang gintong guya*+ at sinabi sa bayan: “Masyado kayong mahihirapan kung pupunta pa kayo sa Jerusalem. Heto ang Diyos mo, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+ 29 Pagkatapos, inilagay niya ang isa sa Bethel,+ at ang isa pa, sa Dan.+ 30 Nagkasala sila dahil dito,+ at nagpupunta pa ang bayan sa Dan para sambahin ang guya na naroon.
-
-
1 Hari 13:33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
33 Sa kabila ng nangyari, hindi itinigil ni Jeroboam ang masamang ginagawa niya. Patuloy siyang nag-aatas ng mga saserdote para sa matataas na lugar mula sa sinuman sa bayan.+ Ginagawa niyang saserdote ang* lahat ng gustong maging saserdote. Sinasabi niya: “Gawin siyang isa sa mga saserdote para sa matataas na lugar.”+
-