-
2 Hari 9:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 At kinuha ni Jehu ang kaniyang pana at pinana sa likod si Jehoram, at ang palaso ay tumagos sa puso nito, at bumagsak ito sa loob ng karwaheng pandigma nito.
-
-
2 Hari 10:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Pagkatapos, gumawa siya ng ikalawang liham. Ganito ang sabi: “Kung kakampi ko kayo at handa kayong sumunod sa akin, dalhin ninyo rito sa akin sa Jezreel ang mga ulo ng mga anak ng inyong panginoon bukas ng ganitong oras.”
Ang 70 anak ng hari ay kasama ng kilalang mga tao sa lunsod na nag-aalaga sa kanila. 7 Pagkatanggap nila sa liham, kinuha nila ang mga anak ng hari at pinatay ang mga ito, 70 lalaki,+ at inilagay ang mga ulo ng mga ito sa mga basket at ipinadala ang mga iyon sa kaniya sa Jezreel.
-
-
2 Hari 10:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Matapos siyang mag-alay ng handog na sinusunog, sinabi ni Jehu sa mga bantay* at sa mga ayudante:* “Pumasok kayo at pabagsakin ninyo sila! Huwag ninyong hayaang makatakas ang sinuman sa kanila!”+ Kaya pinabagsak sila ng mga bantay at ng mga ayudante sa pamamagitan ng espada at inihagis sila sa labas, at tuloy-tuloy ang mga ito hanggang sa pinakaloob na santuwaryo* ng bahay ni Baal.
-