-
Isaias 7:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Noong panahon ng hari ng Juda na si Ahaz+ na anak ni Jotam na anak ni Uzias, sumalakay si Haring Rezin ng Sirya at si Peka+ na anak ni Remalias na hari ng Israel para makipagdigma sa Jerusalem, pero hindi nila* ito nasakop.+ 2 Isang ulat ang dumating sa sambahayan ni David: “Nakipagsanib-puwersa ang Sirya sa Efraim.”
At nanginig sa takot ang puso ni Ahaz at ang puso ng bayan niya, gaya ng mga puno sa kagubatan na hinahampas ng hangin.
-