-
1 Samuel 10:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Pagkatapos, pumunta ka sa burol ng tunay na Diyos, kung saan may himpilan ng mga Filisteo. Pagdating mo sa lunsod, may makakasalubong kang isang grupo ng mga propeta na bumababa mula sa mataas na lugar. Habang nanghuhula sila, may tumutugtog ng instrumentong de-kuwerdas, tamburin, plawta, at alpa sa unahan nila.
-
-
1 Cronica 25:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Gayundin, ibinukod ni David at ng mga pinuno ng mga grupo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asap, Heman, at Jedutun+ para maglingkod sa pamamagitan ng panghuhula habang tumutugtog ng mga alpa, instrumentong de-kuwerdas,+ at simbalo.*+ Ang sumusunod ay ang mga lalaking may ganitong atas.
-