-
Isaias 36:13-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Pagkatapos, tumayo ang Rabsases at sumigaw sa wika ng mga Judio:+ “Pakinggan ninyo ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asirya.+ 14 Ito ang sinabi ng hari, ‘Huwag kayong magpaloko kay Hezekias, dahil hindi niya kayo kayang iligtas.+ 15 At huwag kayong magtiwala kay Jehova+ dahil sa sinasabi ni Hezekias: “Tiyak na ililigtas tayo ni Jehova, at hindi ibibigay ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asirya.” 16 Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinabi ng hari ng Asirya: “Makipagpayapaan kayo sa akin at sumuko, at bawat isa sa inyo ay kakain mula sa sarili niyang puno ng ubas at ng igos at iinom ng tubig mula sa sarili niyang imbakan ng tubig, 17 hanggang sa dumating ako at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng sarili ninyong lupain,+ isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at mga ubasan. 18 Huwag kayong magpaloko kay Hezekias kapag sinasabi niya, ‘Ililigtas tayo ni Jehova.’ Mayroon ba sa mga diyos ng mga bansa na nakapagligtas ng kanilang lupain mula sa kamay ng hari ng Asirya?+ 19 Nasaan ang mga diyos ng Hamat at ng Arpad?+ Nasaan ang mga diyos ng Separvaim?+ Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa kamay ko?+ 20 Walang sinuman sa mga diyos ng mga lupaing ito ang nakapagligtas ng lupain nila mula sa kamay ko. Kaya paano maililigtas ni Jehova ang Jerusalem mula sa kamay ko?”’”+
-