-
Jeremias 37:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 At si Haring Zedekias+ na anak ni Josias ay nagsimulang mamahala kapalit ni Conias*+ na anak ni Jehoiakim, dahil inilagay siya ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya bilang hari sa lupain ng Juda.+ 2 Pero siya at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.
-
-
Jeremias 38:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Sumagot si Haring Zedekias: “Kayo na ang bahala sa kaniya, dahil hindi kayo mapigilan ng hari.”
6 Kaya kinuha nila si Jeremias at inihulog sa imbakan ng tubig ni Malkias na anak ng hari, na nasa Looban ng Bantay.+ Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig sa imbakan ng tubig, kundi puro putik, at si Jeremias ay nagsimulang lumubog sa putik.
-