7 “At tutuparin ko ang tipan ko sa iyo+ at sa magiging supling* mo hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang-hanggang tipan, para maging Diyos ako sa iyo at sa magiging supling* mo.
6 Dahil kayo ay isang banal na bayan para sa Diyos ninyong si Jehova, at mula sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa, pinili kayo ng Diyos ninyong si Jehova para maging bayan niya, ang espesyal* na pag-aari niya.+
9 Alam na alam ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang tunay na Diyos, ang tapat na Diyos, na tumutupad sa tipan niya at nagpapakita ng tapat na pag-ibig hanggang sa ikasanlibong henerasyon ng mga umiibig sa kaniya at sumusunod sa mga utos niya.+