-
2 Samuel 10:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Nang maglaon, namatay ang hari ng mga Ammonita,+ at ang anak niyang si Hanun ang pumalit sa kaniya bilang hari.+ 2 Kaya sinabi ni David: “Magpapakita ako ng tapat na pag-ibig kay Hanun na anak ni Nahas, gaya ng tapat na pag-ibig na ipinakita sa akin ng kaniyang ama.” Kaya isinugo ni David ang mga lingkod niya para makiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pero pagdating ng mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita, 3 sinabi ng matataas na opisyal ng mga Ammonita sa panginoon nilang si Hanun: “Sa tingin mo ba, pinararangalan ni David ang iyong ama sa pagsusugo niya ng mga makikiramay sa iyo? Hindi kaya pinapunta sa iyo ni David ang mga lingkod niya para mag-espiya sa buong lunsod at ibagsak ito?” 4 Kaya kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David at inahit ang kalahati ng balbas nila+ at pinutol hanggang sa pigi ang mga damit nila at pinaalis sila. 5 Nang sabihin kay David ang tungkol dito, nagsugo siya agad ng mga tauhan para salubungin sila, dahil ang mga lalaki ay napahiya nang husto; at sinabi sa kanila ng hari: “Doon muna kayo sa Jerico+ hanggang sa tumubo ulit ang balbas ninyo, saka kayo bumalik.”
-