-
2 Hari 20:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Tinanong noon ni Hezekias si Isaias: “Ano ang tanda+ na pagagalingin ako ni Jehova at makakapunta ako sa bahay ni Jehova sa ikatlong araw?” 9 Sumagot si Isaias: “Ito ang tanda mula kay Jehova na magpapakitang gagawin ni Jehova ang sinabi niya: Gusto mo bang umabante ang anino nang 10 baytang sa hagdan* o umatras nang 10 baytang?”+ 10 Sinabi ni Hezekias: “Aabante talaga ang anino nang 10 baytang, pero hindi ito aatras nang 10 baytang.” 11 Kaya tumawag ang propetang si Isaias kay Jehova, at ang anino na nakababa na sa hagdan ni Ahaz ay pinaatras Niya nang 10 baytang.+
-