-
1 Hari 8:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Pagkatapos, ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ni Jehova sa paglalagyan nito,+ sa kaloob-loobang silid ng bahay, sa Kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.+
7 Ang mga pakpak ng mga kerubin ay nakabuka sa ibabaw ng kinalalagyan ng Kaban, kaya nalulukuban ng mga kerubin ang Kaban at ang mga pingga* nito.+ 8 Napakahaba ng mga pingga+ kaya ang mga dulo nito ay nakikita mula sa Banal sa harap ng kaloob-loobang silid, pero hindi ito nakikita sa labas. At naroon pa rin ang mga iyon hanggang ngayon. 9 Walang ibang nasa loob ng Kaban kundi ang dalawang tapyas na bato+ na inilagay roon ni Moises+ sa Horeb, noong makipagtipan si Jehova+ sa bayang Israel nang lumabas sila mula sa lupain ng Ehipto.+
-