-
1 Cronica 6:31, 32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 Ito ang mga inatasan ni David na mangasiwa sa pag-awit sa bahay ni Jehova matapos mailagay roon ang Kaban.+ 32 Sila ang nag-asikaso sa pag-awit sa tabernakulo, sa tolda ng pagpupulong, hanggang sa maitayo ni Solomon ang bahay ni Jehova sa Jerusalem,+ at naglingkod sila gaya ng iniatas sa kanila.+
-
-
1 Cronica 25:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Gayundin, ibinukod ni David at ng mga pinuno ng mga grupo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asap, Heman, at Jedutun+ para maglingkod sa pamamagitan ng panghuhula habang tumutugtog ng mga alpa, instrumentong de-kuwerdas,+ at simbalo.*+ Ang sumusunod ay ang mga lalaking may ganitong atas.
-