27 Nagpadala si Hiram ng mga barko at ng sarili niyang mga tauhan,+ makaranasang mga marino, para maglingkod kasama ng mga tauhan ni Solomon. 28 Pumunta sila sa Opir+ at kumuha roon ng 420 talento ng ginto at dinala iyon kay Haring Solomon.
22 Ang hari ay may mga barko ng Tarsis+ sa dagat na kasama ng mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat tatlong taon, dumarating ang mga barko ng Tarsis na may dalang ginto at pilak, garing,+ unggoy, at paboreal.*
18 Nagpadala sa kaniya si Hiram+ ng mga barko at ng makaranasang mga marino na pinangungunahan ng sarili nitong mga tauhan. Pumunta sila sa Opir+ kasama ng mga lingkod ni Solomon at kumuha roon ng 450 talento* ng ginto+ at dinala iyon kay Haring Solomon.+