-
1 Hari 3:5-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Sa Gibeon, nagpakita si Jehova kay Solomon sa isang panaginip sa gabi, at sinabi ng Diyos: “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”+ 6 Sinabi ni Solomon: “Nagpakita ka ng dakila at tapat na pag-ibig sa lingkod mong si David na aking ama, na lumakad sa harap mo nang tapat at matuwid at may malinis na puso. Patuloy mong ipinakita sa kaniya ang dakila at tapat na pag-ibig na ito hanggang ngayon nang bigyan mo siya ng anak para umupo sa trono niya.+ 7 At ngayon, O Jehova na aking Diyos, ginawa mong hari ang iyong lingkod kapalit ng ama kong si David, kahit na bata pa ako at walang karanasan.+ 8 Ang iyong lingkod ay nasa gitna ng bayang pinili mo,+ isang napakalaking bayan na hindi mabilang sa dami. 9 Kaya bigyan mo ang iyong lingkod ng masunuring puso para humatol sa iyong bayan,+ para malaman ko ang mabuti at masama,+ dahil sino ang makahahatol sa bayan mong ito na napakalaki?”*
-