-
2 Hari 14:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Pagkatapos, nagsugo si Amazias ng mga mensahero kay Jehoas na anak ni Jehoahaz na anak ni Jehu na hari ng Israel para sabihin: “Magharap tayo sa digmaan.”+ 9 Nagpadala ng ganitong mensahe si Haring Jehoas ng Israel para kay Haring Amazias ng Juda: “Ang matinik na panirang-damo sa Lebanon ay nagpadala ng ganitong mensahe sa sedro sa Lebanon, ‘Ibigay mo ang anak mong babae sa anak ko bilang asawa.’ Pero isang mabangis na hayop ng Lebanon ang dumaan at tinapakan ang matinik na panirang-damo. 10 Oo, napabagsak mo ang Edom,+ kaya nagmamalaki ka. Magpakasaya ka sa kaluwalhatian mo, pero diyan ka na lang sa bahay* mo. Bakit ka naghahanap ng kapahamakan na magpapabagsak sa iyo at sa Juda?”
-