-
Ezra 6:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 “Noong unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa bahay ng Diyos sa Jerusalem:+ ‘Itatayong muli ang bahay na paghahandugan nila ng mga hain, at gagawin ang mga pundasyon nito; 60 siko* ang taas nito at 60 siko ang lapad,+ 4 na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng mga kahoy.+ Ang panggastos ay kukunin sa kabang-yaman ng hari.+
-
-
Ezra 6:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 At ako ay naglalabas ng isang utos kung paano ninyo tutulungan ang matatandang lalaking ito ng mga Judio para muling maitayo ang bahay na iyon ng Diyos: Ang panggastos ay kukunin sa kabang-yaman ng hari,+ mula sa buwis na nakokolekta sa rehiyon sa kabila ng Ilog, at agad na ibibigay sa mga lalaking ito para hindi matigil ang pagtatayo.+
-