-
1 Cronica 15:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Pagkatapos, sinabi ni David sa mga pinuno ng mga Levita na atasan ang mga kapatid nilang mang-aawit na umawit nang masaya, kasabay ng mga instrumentong pangmusika: mga instrumentong de-kuwerdas, alpa,+ at simbalo.*+
17 Kaya inatasan ng mga Levita si Heman+ na anak ni Joel at, mula sa mga kapatid niya, si Asap+ na anak ni Berekias at, mula sa mga Merarita na mga kapatid nila, si Etan+ na anak ni Kusaias.
-
-
Nehemias 11:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 At ito ang mga prominenteng lalaki sa nasasakupang distrito* na tumira sa Jerusalem. (Ang lahat ng iba pa sa Israel—ang mga saserdote, mga Levita, mga lingkod sa templo,*+ at mga anak ng mga lingkod ni Solomon+—ay tumira sa iba pang lunsod ng Juda, bawat isa sa sarili niyang lupain sa kaniyang lunsod.+
-