9 Mag-ingat ka dahil baka pumasok sa puso mo ang kaisipang ito, ‘Malapit na ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya,’+ at hindi ka maging bukas-palad sa mahirap mong kapatid at wala kang ibigay sa kaniya. Kapag dumaing siya kay Jehova dahil sa iyo, magiging kasalanan mo ito.+