-
Ezra 4:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Nang marinig ng mga kalaban ng Juda at Benjamin+ na ang mga bumalik mula sa pagkatapon+ ay nagtatayo ng templo para kay Jehova na Diyos ng Israel, 2 lumapit sila agad kay Zerubabel at sa mga ulo ng mga angkan at nagsabi: “Sasama kami sa pagtatayo; dahil sinasamba* rin namin ang Diyos ninyo+ at naghahandog kami sa kaniya mula pa noong panahon ni Haring Esar-hadon+ ng Asirya, na nagdala sa amin dito.”+ 3 Pero si Zerubabel at si Jesua at ang iba pa sa mga ulo ng mga angkan ng Israel ay nagsabi: “Wala kayong karapatang sumama sa amin sa pagtatayo ng bahay para sa Diyos namin.+ Kami lang ang magtatayo nito para kay Jehova na Diyos ng Israel, gaya ng iniutos ni Haring Ciro ng Persia.”+
-