-
Esther 9:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Noong ika-13 araw ng ika-12 buwan, ang buwan ng Adar,*+ kung kailan nakatakdang isagawa ang utos ng hari,+ at kung kailan inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na matatalo nila ang mga ito, kabaligtaran ang nangyari. Tinalo ng mga Judio ang mga napopoot sa kanila.+ 2 Ang mga Judio ay nagtipon-tipon sa mga lunsod nila sa lahat ng distritong sakop ni Haring Ahasuero+ para labanan ang mga magtatangkang manakit sa kanila, at walang sinuman ang makalaban sa mga Judio dahil natatakot sa kanila ang lahat ng tao.+
-