-
2 Hari 24:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Ipinatapon niya ang buong Jerusalem, ang lahat ng pinuno,+ ang lahat ng malalakas na mandirigma, at ang bawat bihasang manggagawa at panday*+—10,000 lahat. Walang naiwan maliban sa pinakamahihirap na tao sa lupain.+ 15 Ipinatapon niya si Jehoiakin+ sa Babilonya;+ kinuha rin niya sa Jerusalem ang ina ng hari, mga asawa ng hari, mga opisyal nito sa palasyo, at ang mga prominenteng tao sa lupain, at ipinatapon niya ang mga ito sa Babilonya.
-
-
2 Cronica 36:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan at 10 araw; at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova.+ 10 Sa simula ng taon,* ipinakuha siya ni Haring Nabucodonosor para dalhin sa Babilonya,+ kasama ang mahahalagang kagamitan ng bahay ni Jehova.+ At si Zedekias na kapatid ng kaniyang ama ang ginawa nitong hari sa Juda at Jerusalem.+
-
-
Jeremias 24:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+
-