7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+ 8 Dahil dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at pahiramin mo siya ng anumang kailangan niya o kulang sa kaniya.