9 Nang ikaapat na taon ni Haring Hezekias, na ikapitong taon ng hari ng Israel na si Hosea+ na anak ni Elah, si Haring Salmaneser ng Asirya ay sumalakay sa Samaria at pinalibutan iyon ng hukbo niya.+
24Nang panahon ni Jehoiakim, sinalakay ni Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya ang lupain, at naging lingkod niya si Jehoiakim nang tatlong taon. Pero naghimagsik ito sa kaniya.
25Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Zedekias, noong ika-10 araw ng ika-10 buwan, lumusob sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya kasama ang kaniyang buong hukbo.+ Nagkampo sila at nagtayo ng pader na pangubkob sa palibot nito;+
32Pagkatapos gawin ni Hezekias ang mga bagay na ito at ipakita ang katapatan niya,+ dumating si Haring Senakerib ng Asirya at sinalakay ang Juda. Pinalibutan ng hukbo niya ang mga napapaderang* lunsod, at determinado silang pasukin at sakupin ang mga ito.+
39Noong ikasiyam na taon ni Haring Zedekias ng Juda, nang ika-10 buwan, dumating sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya at ang buong hukbo niya, at pinalibutan nila ito.+