-
Isaias 2:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Sa huling bahagi ng mga araw,*
Ang bundok ng bahay ni Jehova
Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+
At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,
At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+
3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,
Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+
-
-
Apocalipsis 7:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Pagkatapos nito ay nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika,+ na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero at nakasuot ng mahabang damit na puti;+ at may hawak silang mga sanga ng palma.+ 10 At patuloy silang sumisigaw nang malakas: “Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono,+ at sa Kordero.”+
-