-
Awit 53:superskripsiyon-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sa direktor; sa istilong Mahalat.* Maskil.* Awit ni David.
53 Sinasabi ng mangmang sa sarili niya:
“Walang Jehova.”+
Ang mga ginagawa nilang di-matuwid ay napakasama at kasuklam-suklam;
Walang gumagawa ng mabuti.+
2 Pero tinitingnan ng Diyos mula sa langit ang mga anak ng tao+
Para makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+
3 Lahat sila ay tumalikod;
Lahat sila ay masasama.
Walang gumagawa ng mabuti,
Wala kahit isa.+
4 Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali?
Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay.
Hindi sila tumatawag kay Jehova.+
5 Pero mababalot sila ng matinding takot,
Takot na hindi pa nila kailanman naramdaman,*
Dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay* sa iyo.
Ipapahiya mo sila, dahil itinakwil sila ni Jehova.
6 Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+
Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,
Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.
-