-
2 Samuel 16:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Pagdating ni Haring David sa Bahurim, isang lalaki mula sa angkan ni Saul na nagngangalang Simei+ na anak ni Gera ang lumabas at nagsasalita ng masasama habang papalapit sa kaniya.+ 6 Binabato nito si David at ang lahat ng lingkod ni Haring David, pati ang lahat ng iba pang taong kasama niya at ang mga mandirigmang nasa magkabilang panig niya. 7 Ganito ang masasamang sinabi ni Simei: “Lumayas ka, lumayas ka! Mamamatay-tao ka! Wala kang kuwentang tao!
-
-
Awit 69:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang mga gustong pumatay sa akin,
Ang mapanlinlang kong mga kaaway,* ay dumami.
Napilitan akong ibigay ang hindi ko naman ninakaw.
-