10 Dahil kung paanong ang ulan at niyebe ay bumubuhos mula sa langit
At hindi bumabalik doon hanggang sa madilig ng mga ito ang lupa, para tubuan iyon ng pananim at mamunga
At magbigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay sa kumakain,
11 Magiging gayon ang salitang lumalabas sa bibig ko.+
Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta,+
Kundi talagang gagawin nito ang anumang gusto ko,+
At siguradong magtatagumpay ito sa dapat nitong isakatuparan.