-
Hukom 13:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 At sinabi ni Manoa sa asawa niya: “Siguradong mamamatay tayo, dahil ang Diyos ang nakita natin.”+ 23 Pero sinabi sa kaniya ng asawa niya: “Kung gusto tayong patayin ni Jehova, hindi sana niya tinanggap ang handog na sinusunog+ at ang handog na mga butil mula sa kamay natin, hindi sana niya ipinakita sa atin ang lahat ng bagay na ito, at hindi sana niya sinabi sa atin ang alinman sa mga bagay na ito.”
-
-
1 Samuel 25:30, 31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
30 At kapag tinupad na ni Jehova para sa aking panginoon ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya at inatasan ka niyang maging pinuno ng Israel,+ 31 wala kang ikalulungkot o pagsisisihan* dahil hindi ka pumatay nang walang dahilan at hindi mo ipinaghiganti* ang sarili mo.+ Kapag pinagpala ni Jehova ang aking panginoon, alalahanin mo ang iyong aliping babae.”
-
-
Esther 5:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Kung kinalulugdan ako ng hari at nanaisin ng hari na ibigay ang pakiusap ko at kahilingan, pumunta sana kayo ni Haman sa handaang idaraos ko bukas para sa inyo; at bukas ko po sasabihin ang kahilingan ko.”
-