-
1 Hari 3:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 At sinabi ng Diyos sa kaniya: “Dahil ito ang hiniling mo at hindi ka humiling ng mahabang buhay* o ng kayamanan o na mamatay ang mga kaaway mo, kundi humiling ka ng kaunawaan sa pagdinig ng mga usapin sa batas,+ 12 ibibigay ko sa iyo ang hiniling mo.+ Bibigyan kita ng pusong marunong at may kaunawaan;+ wala kang magiging katulad sa sinumang nabuhay noon at wala kang magiging katulad sa hinaharap.+ 13 At ibibigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiniling,+ ang kayamanan at kaluwalhatian,+ para walang ibang hari ang maging tulad mo sa buong buhay mo.*+
-