5 Huwag mo akong tingnan,+
Dahil nabibihag ako ng mga mata mo.
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng mga kambing
Na bumababa sa mga dalisdis ng Gilead.+
6 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupa
Na bagong ligo;
Lahat ay may kakambal,
At walang isa man ang nawawala.
7 Ang mga pisngi mong natatakpan ng iyong belo
Ay gaya ng hiniwang granada.