-
Isaias 2:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,
Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+
4 Siya ay hahatol sa mga bansa
At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan.
Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*
At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+
Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,
At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+
-
-
Isaias 11:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+
Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,
At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+
At isang munting bata ang aakay sa kanila.
7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;
At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.
Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+
8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;
At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.
-
-
Mikas 4:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova
At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”
Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,
At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.
-